Guro binitay matapos ang krimeng paglason sa mga preschooler sa China

ISANG dating guro sa kindergarten ang binitay sa central China matapos masawi ang isang preschooler dahil sa multiple organ failure at kasama ang 24 pang iba, sa pamamagitan umano ng paglalagay ng lason o sodium nitrite sa kanilang pagkaing lugaw apat na taon na ang nakararaan.

Ang nasasakdal sa krimen ay si Wang Yun, 39 anyos na unang hinatulan noong Septembre 2020 ng korte.

Gayunpaman ang parehong korte ay pinatunayan ang pagkakakilanlan ni Wang kung saan isinagawa ang hatol na kamatayan nitong Huwebes bilang parusa sa kaniyang nagawang krimen.

Matatandaan noong Marso 2019, ayon sa ulat bumili umano si Wang ng ilang sodium nitrite at idinagdag niya ito sa “eight treasures porridge” ng mga bata matapos masangkot sa isang hindi pagkakaunawaan sa isang kapwa guro.###HARLIN Lumibao, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *