Elisse Joson, tinawanan ang kumakalat na chismis na siya ay buntis!

TINAWANAN lang ng aktres na si Elisse Joson ang kumakalat na mga haka-haka hinggil sakanyang pangalawang pagbubuntis.

Sa panayam kay Elisse kasama ang kaniyang kapwa “Pira-Pirasong Paraiso” star nasi Charlie Dizon sa isang media junket para sa teleserye, natatawang sinagot ng aktres ang akusasyon sa kaniya na siya ay buntis umano.

“ Two years late po ‘yung balita, sa’n kaya nanggaling ‘yon?” saad nito

Matatandaang inilihim ni Elisse sa publiko ang kaniyang pagbubuntis sa dalawang taon nang anak na si Feliz sa aktor na si McCoy De Leon.

Ipinakilala lamang ng mag-asawa sa publiko ang kanilang anak na babae noong Oktubre 2021, anim na buwan pagkatapos manganak ang aktres.

Sa ngayon, isa si Elisse sa cast ng upcoming afternoon prime drama series ng ABS-CBN na “Pira-Pirasong Paraiso” na ipapalabas simula Hulyo 25, 2023.###JONADEL GALLEGO,Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *