Habal-habal driver, sinilaban; suspek, tinutugis na

Himalang nakaligtas ang 42-anyos na habal-habal driver makaraang buhusan ito ng gasolina saka sinilaban. Nangyari ang insidente sa Brgy Poblacion District 3 sa bayan ng San Jacinto, Masbate.

Nagpapagaling na ngayon sa ospital ang biktima na si Charwin Letada Espinosa, may asawa at naninirahan sa nasabing barangay.

Kinilala naman ang suspek na si Geralnd Almonte na residente rin ng nasabing barangay.

Sa ulat na nakalap ng Brigada News, papauwi na umano ang biktima galing sa isang inuman nang lapitan ito ng suspek sa likuran saka binuhusan ng gasolina at sinilaban.

Agad na tumakas ang suspek habang ang biktima ay nagawa pang hubarin ang kanyang damit at nakahingi ng tulong kung kaya’t naitakbo sito sa Ticao District Hospital. Nagtamo ito ng burned wounds o mga paso sa ibat-ibang parte ng katawan nito.

Patuloy naman ang pagtugis ng tracker team ng SJ MPS kay Almonte habang inihahanda na ang isasampang kasong frustrated murder dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *