Half-rice servings ordinance sa Naga City, aprubado na

NAGA CITY – Pwede na ang half-rice serving sa mga restaurant, fast food chains at sa iba pang kainan sa Naga City sa Mayo.  Aprubado na kasi ang Cooked Half-Rice Servings Ordinance sa lungsod.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Jessie Albeus, Chairman of Committee on Consumer Protection.

Maliban sa mga restaurant at mga fast food chains sakop pa ng nasabing ordinansa ang mga food courts, catering, school canteens, hospital cafeterias, carinderia/turo-turo (street stalls), food carts, at iba pang mga food services o establisyemento de negosyo.

Layunin nito na magkaroon ng choices ang consumer sa pagkain ng kanin, inaalala rin kasi ang kalusugan ng mga tao lalo na’t karamihan mga diabetic na dahil sa sobrang carbohydrates na isa ang kanin sa mayaman nito, layon din na mabawasan ang pagproduce ng food waste.

Kumpiyansa naman ang Konsehal na susunod ang mga food services lalo na’t mismong ang kanilang opisina at iba pang departamento sa lungsod mag-iikot upang mamonitor at ma-check kung makakasunod.

May penalidad kung hindi makakasunod, ang 1st Offense: Written Warning sa mga establisemento de negosyo, 2nd Offense: P2, 000.00 ang multa, 3rd Offense: P3, 000.00 at isang bulan na suspensyon ng business permit o license to operate, at 4th Offense: permanenteng kanselasyon ng business permit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *