Halos 300 nabakunahan sa Mariveles Pop-Up Vaccination Center

Nabakunahan na kontra corona virus disease ang dalawang daan siyamnaput walong indibidwal sa Mariveles Pop-up Vaccination Center na kabilang sa A1 hanggang A5 priority groups.

Ito ay sa pangunguna ng Blessed Regina Protman Catholic School sa bayan ng Mariveles.

Nagpasalamat naman ang pamahalaang panlalawigan sa iba’t ibang sektor na nagtutulong-tulong para sa programa ng gobyerno.

Layon nitong mas mabilis pang makamit ang herd immunity para na rin unti-unting manumbalik ang mas maayos na pamumuhay ng mamamayan at masiglang daloy ng komersyo.

Samantala, isinagawa ang pagbabakuna sa lugar nitong nakalipas na araw ng Myerkules.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Fr. Jhoen Buenaventura

May be an image of text that says 'TOP 10 IMPORTANT REASON WHY WE SHOULD TAKE MAXAN CAPSULE Normessure Blood Strengthen Immune Syestem Improves digestion Anti-Cholesterol Normalize Blood sugar Antioxidart Anti-Tumor Detoxification Anti-flammatory Increase Endurance Energy & MAXAN MangosteenXanthone Xanthone Shop now! Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *