Halos 50 sasakyan inisyuhan ng ticket, mahigit 40 impounded sa isinagawang Oplan Lambat Bitag Sasakyan ng PNP- HPG sa Jose Panganiban

JOSE PANGANIBAN CN – Aabot sa 47 sasakyan ang inisyuhan ng ticket habang 43 naman ang na- impound sa isinagawang Oplan Lambat Bitag Sasakyan ng PNP Highway Patrol Group sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte nitong Biyernes.

Ang operasyon ay ginawa sa mga barangay ng Motherlode, Osmena at Sta Rosa Norte.

Karamihan sa mga na- impound ay mga motorsiklo dahil sa ilang paglabag sa batas.

Pero sa dami ng inisyung ticket ay apat lamang naman ang naisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) habang ang karamihan ay Traffic Citations ticket lang ng LGU.

Ilan sa mga violations ng mga hinuling motorista ay ang maruming plaka, walang LTO sticker, hindi pagsusuoot ng seatbelt at walang plate to travel.

Hinuli rin ng HPG ang mga nagmomotorsiklo na walang suot na helmet.

Kasabay naman ng paghuli sa mga traffic violators ay ipinapaalala rin ang pagsunod sa health protocols bilang pag- iingat sa COVID- 19.

Hindi kailangang magsuot ng face mask kung mag isa lang sa sasakyan pero kung dalawa o higit pa ay kailangang nakasuot ito kahit pa magkakasama sa bahay.

Apela naman ng HPG sa publiko na sumunod sa batas upang iwas huli at para na rin sa kanilang kaligtasan.

Mula nang huling bahagi ng nakaraang taon, hindi bababa sa dalawampung Oplan Lambat Bitag Sasakyan ang isinagawa ng HPG katuwang ang, Local PNP, Land Transportation Office at mga local traffic enforcers sa iba’t- ibang lugar sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang pinaka target talaga ng operasyon ay ma- rekober ang mga nakaw na sasakyan at maibalik ito sa may ari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *