Halos dalawang linggong medical and surgical mission sa Camarines Norte Provincial Hospital umarangkada na

CAMARINES NORTE- Umarangkada na kaninang umaga ang Medical, surgical at dental mission ng Provincial Government na ginaganap ngayon sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) grounds

Gaganapin ito araw- araw mula alas 8 ng umaga hanggang  alas 4 ng hapon simula ngayong araw, September 21 hanggang October 3.

Naging posible ang pagsasagawa ng Medical at surgical mission sa tulong na rin ng iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong organisasyon.

Ang hakbang na ito ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Ricarte “Dong” Padilla ay bilang pagpapakita umano ng malasakit ng gobyerno lalo na sa mga kapus sa buhay.

Iba’t- ibang serbisyo ang ibinibigay sa naturang medical, surgical at dental mission tulad ng mga minor surgery at internal medicine na may mga espesyalistang doktor din mula sa ibang lugar.

Matatagpuan sa bawat kwarto ng ginawang expanded Covid- 19 ward ang serbisyo ng iba’t- ibang departamento tulad ng optalmologist, pediatrician, internal medicine at iba pa.

Nagtayo ng mga tents sa harap ng ospital at dito ginagawa ang registration, assessment at pagkuha ng blood pressure.

Bukod sa mga nakatatanda ay marami ring bata ang maseserbisyuhan ng naturang medical at surgical mission.

Kung maalala ay unang ginawa ang kahalintulad na aktibidad sa Labo District Hospital kamakailan lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *