Halos tres pesos na rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo, kasado na simula bukas

GOOD News sa mga motorista dahil matapos ang big-time na oil price hike noong nakaraang linggo – rollback naman ang aasahan sa mga presyo ng produktong petrolyo simula bukas.

Sa abiso ng mga oil companies, mayroong P2.80 na tapyas sa kada litro ng diesel.

Mayroon ding rollback na P2.10 sa kada litro ng kerosene; habang P0.75 naman ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

Epektibo ang price adjustment alas-sais ng umaga bukas, sa Pilipinas Shell, PetroGazz, Jetti, Phonex, Petron, PTT Philippines, at SeaOil; habang alas-otso naman ng umaga ito epektibo sa Clean Fuel.

Matatandaaang Martes noong nakaraang linggo nang magtaas ng P2.90 ang gasolina; P3.05 sa kerosene; at P2.10 sa diesel.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *