Health Office ng Zambales, sang-ayon na gawing house to house ang pagbabakuna kontra covid-19

Pabor ang Provincial Health Office Zambales na gawing house to house ang pagbabakuna kontra corona virus disease.

Ito ay para maiwasan ang lalong pagkalat ng corona virus disease sa mga taong nagpupunta sa mga vaccination sites para magpabakuna kontra covid-19 lalo na ang mga lumalabag sa safety standards.

Matatandaan, sinang-ayunan ng Department of Health ang hiling na magbahay-bahay ang mga vaccinator sa oras na isailalim na sa enhanced community quarantine ang Metro Manila para di mahinto ang pagbabakuna.

Ayon kay Zambales Health Officer Dr.Noel Bueno,hindi lang sa kamaynilaan magandang gawin ang house to house vaccination kundi sa lahat ng parte ng bansa dahil tiyak na mababawasan ang tiyansa ng hawaan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: San Marcelino Publinc Information

May be an image of text that says 'MAXAN Xanthene Mangos Maxan Coffee time! MAXAN Mangosteer Xanthone MAXAN Shop now! N Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *