Health officials, wala nang nakikitang surge ng COVID-19 sa ngayon matapos ang halalan

Naniniwala ang National Task Force against COVID-19 na sa ngayon ay wala pang malinaw na indikasyon na muling magkakaroon ng surge sa bilang ng mga kaso ng coronavirus sa bansa.

Ito ay sa kabila ng mga unang babala ng NTF na maaaring sumipang muli ang bilang ng mga infected ngayong Mayo.

Sa pulong balitaan, sinabi ni NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa na wala pang nakikitang outbreak o surge ang gobyerno sa mga nagdang araw.

Aniya, mayroong 3-5 na araw ang incubation period at wala pang spike sa COVID-19 cases.

Posible umano na nagre-reflect na ang mataas na bilang ng mga bakunado sa bansa.

Kaugnay nito, posible na umanong araw-arawin ng mga vaccination teams ang pagpunta sa ilang mga lugar sa BARMM dahil sa mababa pa ring vaccination rate dito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.