Heat index sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, asahang mas titindi pa ngayong araw

Pitong mga lalawigan ang posibleng makaranas ng mataas na heat index ngayong Miyerkules Santo.

Ayon sa pagtataya ng PAGASA, maaaring pumalo hanggang sa 42°C ang heat index ang init sa bahagi ng San Jose, Occidental Mindoro, Masbate City, Camarines Sur, Roxas City, at Mambusao sa Capiz, at Iloilo City.

Maliban sa mga ito, posible ring umabot sa 40-41°C ang heat index sa higit 20 pang mga lalawigan sa bansa, kabilang na ang Metro Manila.

Kahapon, matatandaang naitala ang pinakamataas na heat index sa bansa sa Capiz, kung saan pumalo ito sa 44°C.

Patuloy na paalala ng ahensya, iwasan muna ang mga aktibidad sa labas ng bahay para maiwasan ang masamang epekto ng matinding init ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *