Itinuturing na high-ranking NPA leader at 2 iba pa – patay sa engkwentro sa Batangas

Patay ang isang itinuturing na high-ranking NPA leader at dalawang iba pa sa engkwentro sa Brgy. Leviste Rosario, Batangas.

Nasawi sa pakikipaglaban sa mga tropa ng 2nd Infantry Division ang Secretary ng Sub-Regional Military Area 4C (SRMA-4C) ng Southern Tagalog Regional Party Committee ng NPA na si Junalice Arante-Isita alias Arya.

Kabilang din sa nasawi sa panig ng kalaban sina: Bernardo Bagaas alyas John Paul, Logistics Officer; at Erickson Bedonia alyas Ricky.

Narekober ng mga tropa sa encounter site ang isang M16 rifle, isang baby armalite, isang M4 Bushmaster rifle, anim na jungle packs, at mga parte ng Improvised Explosive Device.

Ayon kay 2ID Commander Maj. Gen. Roberto Capulong, ang nuetralization ni Isita ay malaking dagok sa pagtatangka ng NPA na mag-reorganisa sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *