Higit 97k na halaga ng hinihinalang ipinagbabawal na drogra kumpiskado habang isang lalaki arestado sa operasyon ng mga otoridad

SBFZ-Nakumpiska ng mga otoridad sa isang buy bust operation ang nasa 97,500 pesos na halaga ng hinihinalang shabu na nasa higit kumulang 15 gramo kahapon ng tanghali.

Ito ay matapos ang ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency, mga otoridad mula sa SBMA, PNP at iba pang law enforcement unit sa Dewey Ave.corner Aguinaldo St., SBFZ kung saan arestado ang isang Robert Balajadia na residente ng Bgy. New Kalalake.

Samantala, maliban sa boodle money ay kumpiskado rin ang gray Toyota-Hi Ace GL.

Sinubukang kunan ng BNFM ng pahayag ang suspek pero tumanggi ito.

Nahaharap naman si Balajadia sa kasong may kaugnayan sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *