Higit P1 rollback sa produktong petrolyo, epektibo bukas

Nagpalabas na ng abiso ang ilang kumpanya ng langis ukol sa ipapatupad na bawas presyo sa produktong petrolyo.

Batay sa anunsyo, P1.65 ang magiging tapyas sa kada litro ng gasolina, P1.25 sa kada litro ng diesel at P1.35 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.

Mamayang hatinggabi sisimulang magpatupad ng rollback ang kumpanyang Cleanfuel at Caltex.

Bukas naman ng alas-6:00 ng umaga magpapatupad ang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, Jetti, Eastern Petroleum, PTT Philippines, UniOil Philippines, SeaOil, PetroGazz.

Ang naturang rollback sa langis ay bunsod pa rin paggalawa ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *