Higit P59M na pananim na marijuana, sinunog; nasa P39M na umano’y marijuana bricks, narekober sa Tinglayan, Kalinga

Tinatayang mahigit 59 milyong piso na halaga ng mga pananim na marijuana ang sinunog ng mga otoridad sa 3-day marijuana eradication sa Barangay, Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Isinagawa ang naturang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Kalinga PPO, PDEA-CAR Kalinga PO, Tinglayan MPS, CIDG, 1st KPMFC, 2nd KPMFC, RID/RPDEU PRO-COR/RIU14, PIU Kalinga, PNP DEG SOU 1, and Naval Forces Northern Luzon noong April 20-22, 2021.

Binunot at sinunog ng mga operatiba ang nasa 128,800 na puno ng fully grown marijuana plants na nakatanim sa tinatayang 13,600 square meters plantations.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Kalinga Police Provincial Office Provincial Director PCOL Davy Limmong, sinabi nya na natuklasan ng mga otoridad ang mga naturang taniman base sa kanilang coordination sa mga assets at sa pamamagitan ng kanilang mga nagdaang operasyon.

Narekober din sa ikalawang site ang pitong sako na naglalaman ng 270,000 bricks ng marijuana dried leaves at mahigit kumulang 10,000 grams ng bricks ng marijuana dried stalks.

Ayon sa pulisya, ang mga narekober na bulto-bultong marijuana ay nagkakahalaga ng 33,600,000 pesos. Ayon pa kay PCol. Limmong, ang mga natuklasang plantasyon ay halos katabi lamang ng mga nauna na nilang mga nasalakay na marijuana plantations.

Posible rin anya na nakapag-ani na ang mga cultivator bagaman wala nang naabutan sa site dahil sa mga narekober na mga marijuana bricks.

PHOTO| Kalinga PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *