Hiling ng Alkalde na pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng OWWA at LGU Basud para sa paglalagay ng OFW Help Desk aprub sa SB

CAMARINES NORTE- Inaprobahan ng Sangguniang Bayan ang kahilingan ni Mayor Adrian Davoco na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa establishment ng Overseas Filipino Workers (OFW) help desk.

Mababatid na sinertipikahang urgent ng Alkalde ang kahilingan nitong mabigyan siya ng authority para pumasok sa kasunduan sa OWWA na agad namang tinalakay sa regular na sesyon ng konseho noong Lunes.

Sa pamamagitan ng help desk,ay  maaaring sumangguni ang mga OFWs tungkol sa mga serbisyo at benepisyo na maaari nilang matanggap  at ng kanilang pamilya bagay na pinapahalagahan naman umano ng LGU.

Sa pamamagitan ng OWWA Help Desk ay magkakaroon ng access ang mga OFWs sa mga serbisyo ng una kasama na ang pag- facilitate sa training at pagtataguyod ng pangkalahatang kapakanan ng mga ito.

Kaugnay nito ay iminungkahi ni Coun. Pablo Ablaneda ang pagpasa ng resolusyon na magbibigay kapangyarihan sa Local Chief Executive para pumasok sa naturang kasunduan at suportahan ang pagtatag ng OFW help Desk.

Wala naman umanong financial liability ang LGU sa pagpasok sa naturang kasunduan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *