Hindi agad pagpapacheck-up, kadalasang dahilan ng mga namamatay sa dengue

Hindi agad pagpapatingin sa doctor, Ito ang tinukoy ng Provincial Health Office na sanhi ng mga namamatay sa dengue.

Ayon kay PHO Infectious Disease Surveillance Unit Sanitation Inspector IV Jeanelita Avanica, batay sa kanilang imbestigasyon sa mga mortality ng dengue, malaking factor ang maagang pagpapacheck-up ng pasyente at hindi pagpunta sa ospital kung kailan malala na ang karamdaman.

Ang dengue ay dapat na agad naaagapan. Mahalaga  na agad itong ma-diagnose upang mapayuhan ng doktor kung ano ang mga dapat gawin at mabigyan ng mga kaukulang medikasyon.

Kaugnay nito, payo ni Avanica sa publiko na kapag may lagnat ay magtungo sa mga health center at magpacheck-up, mayroon umanong libreng NS1 examination sa mga RHU’s upang madetect kung may dengue ang isang indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *