Hindu Festival sa India bigong mapigilan ng gobyerno kahit may COVID-19 surge

Hindi nagpapigil ang libu-libong tao sa Mumbai city sa India sa pagdaraos ng pinakamalaking Hindu festival.

Kaugnay nito ay hindi nga napigilan ng gobyerno ng India ang kanilang mga kababayan sa pagtitipon-tipon na tatagal ng 11 araw.

Inaasahang aabot sa dalawang milyong tao ang makikiisa sa selebrasyon sa Mumbai city at hindi pa kasama ang mga makikiisa sa pagdiriwang mula sa iba pang panig ng bansa.

Ang Ganesh Chaturthi festival ay ang pagdiriwang ng pagbabalik ng Diyos ng Elepante na si Ganesha. Dahil dito ay napag-alamang naghahanda na ang gobyerno ng India sa pinangangambahang 3rd wave ng COVID-19 cases.

Kahapon ay naitala ang panibagong 43,263 na kaso sa isang araw lamang habang matatandaang umabot na umabot na sa 33.14 million ang COVID-19 cases sa India

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *