Hog dealers sa Cabusao , Camarines Sur hinigpitan!

NAGA CITY – Sinisita ng mga personahe o ng mga empleyado ng Cabusao Muncipal Agriculture Office ang mga pumapasok na mga hog dealers, bilang hakbang sa muli na namang pagkakaroon ng African Swine Fever (ASF) sa Calabanga na katabing bayan lamang.

Ito ay kahit na nagkaroon na ng kaukulag hakbang ang LGU at Department of Agriculture upang hindi na kumalat pa.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas-masok ng anumang hayop lalo ng baboy sa Cabusao. Ito ang ipinahayag sa Brigada News FM Naga ni Engr. Joey Moral, ang Municipal Agriculturist Officer ng bayan.

Ayon kay Moral, ang Cabusao ay nananatiling nasa red alert pa rin ng ASF, na ang ibig sabihin ay bawal pa rin ang movements ng anumang hayop, lalo na ng mga baboy. Tulad ng dati, ibabalik muli nila ang paghihigpit na pag monitor sa mga barangay na puwedeng daanan ng mga palusot na buhay na baboy.

Ang mga karneng baboy na kakatayin sa Cabusao ay hindi puwedeng ilabas ng ibang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *