Holiday season crime rate, bumaba ng 14.42% ayon sa PNP

Bumaba ang nationwide crime rate sa 14.42%, mula 10,643 hanggang 9,108 na mga kaso, kumpara sa kaparehong periods noong Dec. 1 hanggang 20 noong 2021 at 2022.

Kaugnay nito, tinukoy ni Philippine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin ang walong focus crimes, na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, robbery, theft, vehicle theft, motorcycle theft, at rape.

Ang naturang focus crimes ay bumaba mula 2,330 na mga kaso noong 2021 sa 1,636 na mga kaso noong 2022, na 694 na pagbaba sa mga kaso o 29.79%.

Ayon kay Azurin, ang top three most prevalent sa naturang mga krimen mula Dec. 1 hanggang 20 ngayong taon, ay theft, rape, at physical injury.

Ang pagbaba umano sa mga krimen ay dahil sa maximum deployment ng mga pulis sa buong bansa sa panahon ng holiday season. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *