House panel, aprubado na ang panukalang Maharlika Investment Fund

Aprubado na ng House committee ang panukala na naglalayung makabuo ng bilyong-bilyong pisong halaga ng sovereign wealth fund na tinaguriang Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa pamamagitan ng voice vote, pinaboran ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang House Bill 6398, dalawang araw matapos itong ihain.

Layunin ng panukala na ma-maximize an investible state assets para sa pagpapaganda ng mga social services.

Sa ilalim nito, makakakuha ng alokasyon ang MIF ng P125 billion mula Government Service Insurance System; P50 billion mula sa Social Security System; P50 billion mula sa Land Bank of the Philippines; P25 billion mula sa Development Bank of the Philippines at P25 billion mula sa National Treasury.

Inaatasan din sa ilalim ng panukala ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Amusement and Gaming Corporation, kasama ang iba pang mga government instrumentalities, na magpondo sa MIF.

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *