Hurricane Ida nagdulot ng malawakang brownout sa Louisiana sa US

Itinaas sa category 4 ang Hurricane Ida kasabay ng pag-landfall nito sa Port Fourchon Louisiana.

Sinabi ni Louisiana Governor John Bel Edwards na isa sa pinakamalakas na bagyong dumaan at nag-landfall sa kanilang lugar ang Hurricane Ida.

Kaugnay nito ay hinimok ni Edwards ang mga residente na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan lalo at hindi matiyak kung matutugunan agad ng mga responders ang mga tawag sa kanila

Ayon kay Edwards, kapag humupa na ang Hurricane Ida ay handa naman na ang kanilang resources para maipamahagi.

Sa pinakahuling update, activated na ang Louisiana National Guard na mayroong 4,900 guardsmen na itinalaga sa 14 na parishes habang handa ang mga water vehicles, 73 boats at 34 helicopter na handang tumulong at umalalay sa mga apektadong residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *