Lalaking limang beses na nagpa bakuna kontra COVID-19, inaresto sa Brazil

Rio de Janeiro, BRAZIL — Sakabila ng nagpapatuloy na COVID-19 vaccination roll out sa iba’t-ibang bahagi ng mundo upang maabot ang ‘herd immunity’, hindi maipagkakaila na marami pa rin ang nag-aalinlangan at takot na magpa bakuna kontra COVID-19.

Ngunit sa Rio de Janeiro sa bansang Brazil, isang lalaki ang inaresto ng mga otoridad matapos madiskubreng limang beses itong nagpaturok ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng local media sa lugar, buwan pa ng Mayo nang mag-umpisang makatanggap ng bakuna ang hindi na pinangalanang lalaki.

Nadiskubre umano ng mga health authorities ang pagsisinungaling ng lalaki nang hindi ito makasagot ng maayos nang tanungin kung unang dose o second dose na ng bakuna ang i-ad administer sakanya.

Dito na naghinala ang health worker kaya’t sinimulan nito ang pagsisiyasat sa pamamagitan ng pag-access sa online vaccination record ng Rio de Janeiro Municipal Health Department.

Natuklasan ng mga ito na limang beses na palang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 ang lalaki mula sa iba’t-ibang vaccination sites sa lugar.

May 12 nang natanggap nito ang kanyang first dose ng Pfizer; June 5 ay nagpaturok siya ng AstraZeneca; June 17 nang magpabakuna siya ng Coronavac; July 9 ay natanggap niya ang second dose ng Pfizer habang July 21 naman ng matanggap nito ang ikalawang dose niya ng Coronavac.

Paliwanag ng health department, naging madali para sa lalaki ang magpaturok ng limang beses dahil hindi agad nila naitatala sakanilang data base ang pangalan ng mga nabakunahan na.

Nang tanungin naman ang lalaki kung bakit niya ginustong magpaturok ng maraming beses at ng magkakaibang brand ng bakuna, sinabi nitong nais niya lamang na masigurong protektadong-protektado siya konta COVID-19.

Kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng Rio de Janeiro police station habang inoobserbahan ang kanyang kalusugan mula sa posibleng epekto ng limang beses na pagpapabakuna.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *