IATF, nakatakdang ilabas ang resolusyon hinggil sa mask mandate policy bago matapos ag linggo

Nanindigan si Interior Secretary Benhur Abalos na dapat ay magkaroon pa rin ng iisang national policy ang buong Pilipinas hinggil sa pagsusuot ng face masks.

Tugon ito ng Kalihim sa ipinatupad na ‘trial period’ ng Cebu City para sa pagluluwag nito ng mask mandate sa outdoor areas sa Lungsod.

Ayon kay Abalos, bagamat nirerespeto nila ang autonomy ng isang local chief executive, mayroon pa ring umiiral na antional at local laws.

Giit nito, sakali mang ipagpatuloy pa rin ni Cebu City Mayor Mike Rama ang kanyang gusto ay maaari raw magkagulo sa implementasyon ng health protocols.

Kaugnay nito, nakatakda namang mapagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force ang face mask policy bago matapos ang linggo.

Aniya, mahigpit na inaaral ng IATF at ng mga eksperto ang pagli-lift ng mask mandate sa mga outdoor areas.

Matatandaang kahapon nang sabihin ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nagpulong ang IATF kasama ang mga health experts para pag-usapan ang ‘non-obligatory’ wearing of face masks sa Cebu City.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *