Ikalawang ‘middleman’ sa Percy Lapid slay, itinanggi ang pagkakasangkot sa krimen

Nagsumite na ang inmate na nagsilbing ikalawang middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid ng kanyang counter-affidavit, na tumatanggi sa kanyang involvement sa krimen.

Ang counter-affidavit ni Christopher Bacoto, ay isinumite sa preliminary investigation ng murder complaints kaugnay sa pagpatay kay Lapid at isa pang middleman na si Jun Villamor.

Ayon kay Atty. Salvador Quimpo, kinatawan ni Bacoto, na malabong magkaroon ng koneksyon ang kanyang kliyente sa naturang krimen, dahil halos apat na taon na umano itong nakakulong sa high detention facility at may posibilidad na hindi niya relative o hindi niya counsel ang dumalaw sa kanya.

Una nang sinabi ng Department of Justice na inamin ng sumukong si self-confessed gunman Joel Escorial na kinausap umano ni Bacoto ang kasamahan nito na tulungan siyang patayin si Lapid, habang nangako naman si Villamor na babayaran siya ng P550,000.

Dagdag naman ni Quimpo, na kilala ni Bacoto si Escorial pero hindi umano niya ito nakausap, at naririnig nila ang bawat isa dahil pareho umano silang nagmula ng Leyte.

Samantala, kinuwestiyon naman ng kampo ni Bacoto kung bakit dalawa ang isinumiteng pahayag ni Escorial. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *