COVID active tally sa PH, tumaas sa 17,188

Nagtala ang Pilipinas ng 1,227 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para maiulat ang nationwide tally na 4,015,266.

Ito ang ikatlong sunod-sunod na araw, na nasa 1,000 na mga bagong kaso ng coronavirus ang namomonitor sa bansa.

Ayon sa Health Department, tumaas ang active cases sa 17,188 mula sa 16,526 na napaulat noong Huwebes.

Dumami rin ang bilang ng mga gumaling mula sa naturang sakit sa 3,933,723, habang ang death toll ay umakyat sa 64,355.

Samantala, ang bed occupancy rate sa bansa ay nasa 24.4%, kung saan 6,928 dito ang okupado at 21,456 ang mga bakanteng higaan. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *