Dalawang buwang gulang na sanggol nagpositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nagpositibo sa COVID- 19 ang dalawang buwang gulang na sanggol sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, ang bagong nagpositibo sa sakit ay si Bicol No 65048, lalaki na taga Barangay 6.

Unang nakaranas ng lagnat, ubo at sipon ang pasyente noong November 6  at sa kaparehong araw ay nagpakonsulta sa  doktor.

November 9 nang lumabas ang resulta ng RT- PCR test ng sanggol na positibo ito sa sakit.

Dahil dito umaabot na sa 195 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan na naitala simula noong 2020.

Mayroon ngayong dalawang aktibong kaso habang 172 naman ang gumaling.

Hindi na nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi na nananatili ngayon sa 21.

Batay sa datos ng Municipal Health Office, pito na ang tinamaan ng COVID- 19 sa naturang bayan na edad 0- 5 year old.

Kaugnay nito ay patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na mag ingat dahil hindi pa tapos ang laban sa COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *