Ilan sa mga na stranded na pasahero sa Tabaco Port patungong Catanduanes, bumiyahe mula NCR sakay ng mga pribadong behikulo

Inihayag ni Catanduanes Public Information Officer – Nikko Templonuevo na bumiyahe sa pamamagitan ng private van mula sa NCR ang ilan sa 100 stranded passengers na naharang sa border control point papasok sa Catanduanes.

Ayon sa opisyal, nakakapagtaka kase aniya kung papaaano nakarating ang mga ito sa Tabaco Port gayong wala pa namang biyahe ang mga pampublikong bus mula sa NCR papunta ng Bicol at mahigpit ring ipinagbabawal ang pagpasok ng mga NON-APOR mula NCR at mga karatig na lalawigan.

Posibleng ito aniya ay ang mga pribadong behikulo pa din na nag-aalok ng serbisyong biyahe papauwi sa mga probinsiya kung saan madalas na isinasagawa ang transaksiyon sa mga social media gaya ng facebook.

Matatandaan na una nang nagbabala ang IMT-Cataduanes hinggil dito sapagkat ito ay maituturing na iligal na pamamaraan ng pagpasok sa lalawigan.

Batay sa update kahapon ng CDRRMO-Tabaco, pinayagan nang makabiyahe patungo sa Catanduanes ang ilan sa mga na-stranded na pasahero matapos ang mga itong isailalim sa antigen test at nag negatibo naman ang resulta at bilang konsiderasyon na din.

Ganunpaman, patuloy pa rin ang pakiusap ng pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes sa mga nais na magtungo sa isla mula sa NCR, na hintayin na lamang ang bagong direktibang ilalabas ng IATF sa katapusan ng buwan dahil sa ngayon ay hindi talaga papapasukin sa lalawigan ang mga hindi naman APOR at non-essential travelers.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *