Ilan sa mga risk factors na maaaring mag sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa dugo, tinalakay ng DOH-Bicol kasabay sa paggunita ng World Leukemia Awareness Month

BICOL – Bagama’t wala pang tiyak na sanhi at patuloy pa rin ang pag aaral ng mga eksperto sa medisina, maaari umanong iugnay ang ilang risk factors na posibleng dahilan ng pagkakaroon ng sakit naa leukemia.

Ito ang ibinahagi ng Department of Health Bicol sa naging talakayan kaugnay sa paggunita ng World Leukemia Awareness Month ngayong buwan ng Setyembre.

Paliwanag ni Dr. Vincent Aguilar ng BRTTH, ang sakit nna leukemia ay isang uri ng kanser kung saan ang parte ng katawan na bumubuo ng dugo o bone marrow ay gumagawa ng higit sa kailangan na white blood cells o leukemic cells na depektibo at nakasasama sa katawan. 

Wala rin umanong pinipiling edad ang sakit na ito bagamat pangkaraniwan sa mga batang edad 2 hanggang 10 ang congenital leukemia o nangangahulugang mayroon ng sakit pagkasilang pa lamang.

Ayon pa rito, malaki ang kinalaman ng gene mutation sa pagkakaroon ng ganitong sakit dahil ito ang nagdidikta sa katawan na maag produce ng abnormal cells.

Gayunpaman, posible ring nagkaroon ng impeksyon ang isang ina habang ito ay nagbubuntis habang ang ilan pa umano sa mga risk factors ang exposure sa radiation, environment at lifestyle.

Kung sakali man umanong nakakaranas ng ilan sa mga sintomas ng leukemia gaya ng lagnat, panghihina, malimit na impeksyon, malaking kulani madaling pagdurugo at pagkaroon ng mga pantal at pasa ay agad magpakonsulta sa pinakamalapit na ospital upang maiwasan na humantong sa mas malalang kondisyon at agad na maisalalim sa tamang gamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *