Ilang food establishments sa Olongapo, nabiktima ng fake order gamit ang pangalan ng isa sa mga konsehal

Nabiktima ng fake order ang dalawang food establishments sa Olongapo gamit ang pangalan ng isang konsehal.

Ayon kay Konsehal Tata Paulino, umaga ng Martes, dumating ang mga tauhan ng isang tindahan para kumpirmahin ang order na lechon belly at mga bottled water.

Bagamat naipakansela ang unang order, bandang tanghali ng dalhin ng mga delivery boy ng isa pang hiwalay na establisimiyento ang lechon belly, mga inihaw na bangus at napakaraming mineral water.

Umabot ng halos sampung libong piso ang lahat ng mga order na nakapangalan kay paulino na binayaran at kinain ng ibang empleyado ng cityhall habang ang konsehal naman ay nagbayad ng 2thousand pesos para sa ilang kilo ng lechon belly.

Maliban sa mga pagkain, sa utos daw ni Mayor Lenj Paulino, sinubukan ding humingi ng halagang isanlibong pisong cellphone load ang nagpakilalang konsehal.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Eating Balance Diet ASCORBIC ACID GUARD-C (as Calcium Ascorbate) Exercising Following ÛP Safety Protocol Take Guard c ww. SHOP NOW! Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *