Ilang lugar sa Eastern Visayas nasa signal no. 1 na dahil sa bagyong ‘Paeng’

Itinaas na sa signal number 1 ang ilang lugar sa Eastern Visayas dahil sa bagyong Paeng.

Kabilang dito ang northern portion of Eastern Samar at eastern portion of Northern Samar.

Ayon sa PAGASA tinatayang aabot sa tropical storm category ang sa loob ng 24 na oras.

Huling namataan ang sentro ng Tropical Depression “PAENG” sa 660 km East ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang Maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h.

Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng bagyo ang MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, BARMM, Quezon, Agusan del Norte, Surigao del Norte, at Dinagat Islands.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mahinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon

Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa loclaized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *