Ikalawang autopsy sa mga labi ng namatay na middleman sa Lapid slay case, natapos na

Bukas, araw ng Biyernes ay maaari nang isumite ang lalamin ng ulat sa isinagawang 2nd autopsy sa mga labi ng middleman sa Lapid slay case.

Matatandaang nagkaroon ng re-autopsy na isinagawa ni Dr. Raquel Fortun sa mga labi ni Jun Villamor.

Ito ay para magkaroon ng ‘validitive report’ na magkukumpara sa unang autopsy ng National Bureau of Investigation na nagsasabing walang nakitang senyales ng foul play sa pagkamatay nito.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, bukas ay nakatakda itong humarap sa media para ilahad ang laman ng autopsy report ni Fortun.

Kahapon, nakabalik na sa funeral homes sa Muntinlupa City ang mga labi ni Villamor.

Umaasa umano sila Remulla sa maayos na resulta sa 2nd autopsy.

Nakatakda namang i-escort pabalik ng Leyte ang mga labi ni Villamor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *