Ilang major projects ng Primewater nakatakdang makumpleto ngayong taon

CAMARINES NORTE- Nakatakdang makumpleto ngayong buwan ang ilang major projects ng Primewater Infrastructure Corporation para ma improve ang serbisyong patubig sa ilang mga lugar dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang 4.1 KM Pipe Extension Line Project mula sa San Jose Talisay hanggang Bagasbas dito sa Daet ay nakatakdang makumpleto ngayong buwan.

Sa pamamagitan umano nito ay madaragdagan ang water availability at water pressure sa mga nabanggit na lugar na pakikinabangan ng nasa 300 households Developmental Project ng Provincial Government.

Nakatakda ring makumpleto ngayong buwan ang J. Lucban, Diego Linan, Pineapple Pipe Rehabilitation Project na magdaragdag sa water pressure ng Barangay VII at adjacent barangays na pakikinabangan naman ng nasa 500 households.

Ang proyekto ay sinimulan noong July 2019.

Ang Alawihao Source Development Project naman na sinimulan noong Pebrero 2019 ay nakatakdang makumpleto sa buwan ng Agosto nitong taon.

Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng additional na 3 MLD source na magpapataas sa water availability sa Daet North.

Una na ring inihayag ni Primewater Branch Manager Mark Anthony Muroda sa Brigada News FM Daet na ang Alalwihao source ay isa sa kanilang nakahandang augmentation kapag umabot sa critical level ang kanilang mga spring sources dahil sa nararanasang mainit na panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *