Ilang mambabatas nais pa-imbestigahan ang OCTA research group

Inihain ng ilang mambabatas sa Kamara ang isang resolusyon upang imbestigahan ang OCTA research group.

Batay sa House Resolution no. 2075 na inihain nina Representatives Bernadette Herrera-Dy, Kristine Singson Meehan, Sharon Garin, Stella Luz Quimbo at Cong. Bong Suntay nais ng mga ito na magkaroon ng inquiry in aid of legislation sa mga inilalabas na datus ng grupo kaugnay sa COVID-19.

Binigyan-diin ng mga mambabatas na dapat masiyasat ang kwalipikasyon ng grupo, ginagagamit na paraan sa kanilang pag-aaral, partnership at ang mismong komposisyon ng OCTA research group.

Kinukwestiyon din ng mga kongresista ang pag-gamit ng ‘UP-OCTA’ gayung sinabi ni Associate Professor Peter Cayton ng University of the Philippines-Diliman na walang opisina at wala ang OCTA sa organizational structure ng unibersidad.

Duda rin umano ang mga kilalang infectious disease expert sa bansa katulad ni Dr. Edcel Salvana sa pamamaraan ng pangangalap ng datus ng grupo na tinawag nitong problematic at mula sa incomplete at mali-maling data.

Iginiit ng mga mambabatas na public health at public policy ang pinag-uusapan dito kaya’t ang mga impormasyon na inilalabas ay dapat tama at hindi mali at iresponsable.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *