PNP Chief nagpa-alala sa mga community pantry organizers ngayong ECQ

Pinaalalahanan ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga magtatayo ng Community Patry sa gitna ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar mayroon guidelines na dapat sundin ang pagtatayo ng mga community pantries.

Unang-una dito ayon sa hepe ng pambansang pulisya ay dapat ipaalam ng mga organizers ang kanilang aktibidad sa mga kani-kanilang mga barangay.

Iminungkahi ni Eleazar sa mga community pantry organizers na na magpataulong sa mga barangay officials sa pag-repack at pamamahagi ng mga pagkain kesa papilahin ang mga residente sa labas ng bahay.

Binigyan diin ng PNP chief na mababalewala ang purpose ng ECQ na manatili sa bahay ang mga tao kung hahayaan ang mag ito na pumila sa mga community pantries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *