Ilang mga residente sa Legazpi City, nagbigay-opinyon hinggil sa desisyon ng COMELEC sa disqualification kay Mayor Rosal

LEGAZPI CITY – Ilan sa mga residente ng lunsod ng Legazpi ang nagpahayag ng kanilang opinyon na may kinalaman sa desiyon ng Commission on Elections (COMELEC) en banc kaugnay ng pagkadiskwalipika kay City Mayor Geraldine Rosal bilang alkalde ng lunsod.

Sinabi ni alyas Dani, sa Brigada News FM Legazpi na siya ay hindi pumapabor sa naging desiyon ng komisyon sapagkat kung tatanggalin lang naman umano ang alkalde sa puwesto, ang bise alkalde nito ang siyang dapat pumaalit at hindi ang sinuman.

Kaugnay din ito ng deklarasyon ng COMELEC na ang 2nd placer na si AKB Party-list Representative Cong. Alfredo Garbin, Jr. ang papalit kay Rosal sa puwesto sakaling maging pinal at executory na ang nasabing desisyon.

Ayon naman kay alyas Ben, isang mag-aaral, kailangang sundin ang mandatong nakasaad sa Omnibus Election Code.

Aniya, kung ang anuman ang nakasaad sa code bilang mandato, iyon ang dapat na sundin.

Maliban sa kanila, ilan ding mga Legazpeño ang nagpahayag ng damdamin partikular sa social media patungkol sa nasabing isyu, kung saan marami ang natuwa at marami rin namang nadismaya.

Kung babalikan, Mayo 4 nang maglabas ng desiyon ang COMELEC na nagdidiskwalipika sa alkalde sa posisyon nito sa lunsod dahil sa kanyang paglabag sa isang partikular na bahagi sa Omnibus Election Code, kung saan ang alkalde ay sangkot sa pagbibigay-ayuda sa ilang mga tricycle drivers sa kasagsakagan ng pangangampanya na ipinagbabawal naman sa nasabing Code.

Sa ilalim ng desiyon ng COMELEC, binibigyan ng limang araw si Rosal upang umapela, at kung sakali mang hindi magbaba ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema, tuluyan nang uupo si Garbin sa nasabing posisyon.

Matatandaan din, si Garbin ay nagfile kamakailan ng motion to intervene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *