Inabandonang illegal fishing paraphernalia narekober ng Bantay dagat sa karagatang sakop ng Mercedes, Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Narekober ng mga tauhan ng Bantay Dagat ang aabot sa halos isangdaang piraso ng inabandonang “dragon bobo” o mas kilala sa lokalidad sa tawag na “ulod- ulod” mahigit isang kilometro ang layo mula sa islang Barangay ng Quinapagian o mahigit dalawang kilometro mula naman sa Barangay Matoogtoog sakop ng Mercedes, Camarines Norte.

Ipinagbabawal ang pagamit ng dragon bobo sa ilalim ng Municipal Ordinance at Fisheries Code  dahil napakaliit ng butas ng fish net na pati ang mga maliliit na isda ay hindi makakaligtas.

Ang ulod- ulod ay ang pinagkabit- kabit o pinag dugtong- dugtong na lambat na maliliit ang butas .

Ayon Municipal Information Office ng LGU Mercedes pagmamay- ari ang mga narekober na fishing paraphernalia ng isang taga Basud at taga Camarines Sur na hindi tinukoy ang pagkakalilanlan.

Nasa kustodiya ngayon ng LGU ang mga narekober na illegal fishing paraphernalia habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Matatandaan na noong 2021 pa ay nagbabala na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa uri ng pangingisda gamit ang dragon trap net.

Sinasabing “highly efficient” ang dragon trap net sa panghuhuli ng isda lalo na kung ito ay ilalagay sa river mouth papasok o palabas ang tubig ay hindi na makakalabas ang mga isda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *