Inflation rate sa Bicol nitong buwan ng Pebrero, tumaas sa 8.8% – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol na nagsisipagtaasan na ang presyo ng mga bilihin sa rehiyon nitong buwan ng Pebrero.

Ayon kay PSA Bicol Chief Statistician, Danilo Lucena, tumaas sa 8.8% ang inflation rate noong nasabing buwan kung ikukumpara noong Enero na nasa 8.3%.

Pinakamataas pa rin ang lalawigan ng Camarines Sur na may 10.4% na inflation rate, sinundan ng Camarines Norte na 9.3%; 8.5% naman ang sa Albay; nasa 7.9% ang sa Masbate; ang isla naman ng Catanduanes ay nasa 7.4%, habang 6.4% sa Sorsogon.

Paliwanag ng tanggapan, ang pagtaas ng inflation rate sa rehiyon ay dahil sa mas mataas na gastos sa housing, tubig, kuryente, gas at iba pang mga produktong petrolyo na umabot sa 11.9% mula sa 10.2% noong Enero.

Maliban pa rito, tumaas din sa 9.8% ang pagkain at non-alcoholic beverages mula sa dating 9.3%, habang nakapag-ambag din ang gastos sa restaurants at accommodations services na 7.1% sa Pebrero mula sa 6.3% noong Enero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *