Initial site validation, patuloy na isinasagawa ng Albay Vet Office sa mga bayan at lungsod ng lalawigan na benepisyaryo ng INSPIRE Program

BNFM BICOL—Patuloy na nagsasagawa ng “initial site validations” ang Albay Veterinary Office sa iba’t-ibang bahagi ng nasabing lalawigan kaugnay ng implementasyon ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE Program.

Katuwang ng naturang tanggapan ang Department of Agriculture o D.A-Bicol kung saan layunin ng kanilang programa na muling ma i-angat ang sektor ng “hog raising” o pag-aalaga ng baboy sa probinsya na labis na naapektuhan, buhat nang lumaganap ang African Swine Fever sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.

Kahapon araw ng Huwebes, binisita ng mga personahe ng Albay Veterinary Office at ng D.A-Bicol ang grupo ng mga magsasaka o farmers sa bayan ng Jovellar at lungsod ng Legazpi, partikular ang mga benepisyaryong nag apply sa INSPIRE Program.

Inaasahan na sa ilalim ng naturang programa, matagumpay na maisasagawa ang “repopulation” ng mga baboy at mas magkakaroon ng kapasidad ang swine industry ng lalawigan na makapag produce ng sapat na suplay ng karneng baboy sa merkado.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *