SB-Virac, Catanduanes aapela ng tulong mula sa ilang LGU sa NCR upang magkaroon ng bagong fire truck ang BFP sakanilang bayan

BNFM BICOL— Inihayag ni Sangguniang Bayan Virac Committee Chair on Peace and Order and Public Safety and Good Governance – Jose Sonny Francisco na aapela sila ng tulong mula sa DILG, Quezon City – LGU at LGU-Makati upang mabigyan ng bago at malaking fire truck ang Bureau of Fire Protection sa naturang bayan.

Ang pahayag ng opisyal ay kasunod ng planong modernization program ng BFP-Virac kung saan ang pinaka layunin ng programa ay mapalitan na ang kanilang lumang fire truck.

Pahirapan na kase umano ang pag responde ng mga bumbero sa tuwing nagkakaroon ng sunog bunsod ng tatlong dekada nang fire truck na madalas nang magkaroon ng aberya.

Tanging iisang fire truck na lamang aniya ang nagagamit ng BFP dahil sira na rin ang water pump ng isa pang truck na siyang ginamit sa pag responde sa nangyaring sunog kamakailan lamang sa Brgy. Concepcion na ikinasawi ng isang mag-anak.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *