Insidente ng sunog noong 2022 mas mataas ng 50% vs 2021 – City BFP

Mataas ng 50% ang mga insidente ng sunog na naitala noong nakalipas na taon kaysa noong taong 2021 sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay Bureau of Fire (BFP) Sorsogon City Fire Marshall Eric Caramoan, ang 10 fire incident na kanilang nairecord noong taong 2022 ay kombinasyon ng vehicular at storage fire.

Paliwanag nito, pangunahing sanhi ng vehicular fire ay ang mga sasakyang nakatago o kaya ay matagal nang hindi ginagamit.

Posible kasi umanong dahil sa matagal na itong nakatago ay nasira o may depekto na ang mga parte nito lalo na ang linya ng kuryente o di kaya ang linya ng gasolina.

Kaugnay nito, mungkahi ng opisyal na kapag ang mga behikulo ay naitago ng matagal at hindi nagamit ay suriin muna itong mabuti partikular ang mga bahagi nito bago gamitin.

Open flame naman aniya ang kalimitang dahilan ng mga storage fire sa mga establishment at residential. Kinabibilangan ito ng mga naiwanang kandila, gasera, maging mga itinapon na upos ng sigarilyo kung kaya payo nito na laging maging maingat kapag gumagamit ng ganitong mga bagay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *