Inter-Parliamentary Union: ang pagkakakulong ni dating senadora De Lima ay politically motivated

Kumbinsido ang Inter-Parliamentary Union (IPU), ang pinakamatanda at pinakamalaking grupo ng national parliaments sa mundo, na ang mga kaso laban kay dating Senator Leila de Lima ay may kaugnayan sa pagiging vocal opposition nito sa maduong war on drugs.

Ang desisyon ay inaprubahan ng Committee on the Human Rights of Parliamentarians sa kanilang 170th session noong Jan. 21 hanggang Feb. 2 sa Geneva, Switzerland, pero inilabas lang sa media nitong Feb. 19.

Nakasaad sa resolusyon, na nababahala uman ang Committee on the Human Rights of Parliamentarians na sa unang anim na taon matapos na makasuhan si De Lima, ay patuloy parin umano itong nakakulong, kahit kumambyo na ang ilang key witness against pabor dito.

Dahil dito, muling nanawagan ang IPU committee na ibasura na ang kaso laban sa dating kalihim ng Department of Justice, at hinimok ang mag otoridad na gumawa ng mga kaukulang hakbang.

Sakali naman umanong hindi ibaura ang kaso, hiniling ng IPU committee na hayaan ang mga trial observer nito na magpatuloy sa pagmonitor at magreport para sa fair-trial standards sa mga kaso na nakabinbin sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *