Isa naitalang patay sa Typhoon Bising

Naitala ang isang patay mula sa pagdaan ng bagyong Bising malapit sa Pilipinas nitong Lunes.

Nakaranas ang maraming lugar ng matinding pag-ulan at pagbaha mula sa pagdaan ng bagyo na dahilan naman kung bakit napilitan ang libo-libong residente na lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa PAGASA, hindi nito nakikita na magla-landfall ang bagyo sa bansa.

Gayunman, sinabi ng regional civil defense office na nakaabot pa rin ang malakas na hangin at ulan sa central region ng Eastern Visayas kung saan ay binaha ang 66 na barangay.

Sinabi ng mga otoridad na nasawi ang isang 79-anyos na lalaki matapos itong mabagsakan ng puno ng niyog.

Inihayag rin ng opisina na meron isa pang lalaki ang patuloy na hinahanap nang hindi na ito makabalik mula sa dagat.

Tinatayang aabot naman sa 68,000 na katao na nakatira sa mga apektadong rehiyon ang nailikas na mula sa kanilang mga bahay bilang precautionary measure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *