Isa pang bagyo posibleng tumama sa bansa bago matapos ang taon

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa na isa pang bagyo ang posibleng tumama sa bansa na dadaan pa sa Bicol Region bago matapos ang taon.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Pagasa Daet kay weather specialist Melissa Garamay sa programang Banat Brigada, sinabi nito na 70 hanggang 80 percent ang tsansa na may mabuo pang bagyo na papangalangang Samuel.

At kapag ganitong panahon ay kadalasang dumadaan sa Bicol Region ang mga nabubuong bagyo.

Sa ngayon naman ay apektado pa rin ng shear line ang lalawigan ng Camarines Norte na dahilan ng malalakas na pag ulan simula pa noong linggo.

Ayon kay Garamay asahan na magiging maulan hanggang weekend pero hindi na umano ito magiging kasing lakas tulad kahapon.

Kaugnay nito ay pinapaalalahanan ang mga mangingisda na huwag na munang pumalaot dahil nakataas pa ang gale warning.

Ang mga nakatira naman sa binabahang lugar, malapit sa ilog at dagat gayundin sa mga landslide prone areas ay patuloy na inaalerto.

Dahil naman sa malalakas na pag ulang naranasan ay binaha ang maraming lugar.

Kaninang madaling araw ay binulaga ang mga motorista ng baha sa kahabaang ng Maharlika Highway sa may diversion road barangay Pamorangon.

Baha rin simula pa kahapon ang kahabaan ng Vinzons Avenue partikular ang malapit sa malaking mall.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *