Isa, patay sa Diarrhea outbreak sa Davao City

DAVAO CITY – Isa na ang naitalang namatay habang nasa halos 150 na ang apektado sa nangyaring Diarrhea outbreak sa Toril nitong lungsod.

Ayon kay Dr. Ashley Lopez ng City Health Office (CHO), na isang 10 anyos na pasyente ang namatay dahil sa komplikasyon ng Diarrhea.

Sinabi rin ng CHO na maliban sa diarrhea, napansin rin na malnourished ang pasyente.

Samantalang patuloy ngayon na ino-obserbahan ang kalagayan sa iba pang mga isinugod sa ospital.
Nabatid na nasa 147 na ngayon ang kaso ng diarrhea sa Toril.

Umakyat na rin sa 19 na mga Barangay ang apektado matapos madagdag nito ang Barangay Alambre, Bangkas Heights, Daliaon Plantation, Eden, Marapangi, Sirawan, at Baliok.

Sa kasalukuyan hinihintay oa ang resulta ng water analysis, food sampling, at rectal swabs na ilalabas ngayong hapon.

Kung maalala, isa sa mga tinuturong dahilan ng outbreak ang tubig at street foods na kinain ng mga pasyente.

Una nang tiniyak ng lokal na pamahalaan na bibigyan ng tulong ang mga pasyente na nadala sa ospital. (BNFM DAVAO | EMMAN DELA PEÑA)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *