NDRRMC, bukas na pangunahan ang NTF vs COVID-19

Handa umano ang National Disaster Risk Reduction ang Management Council na pumalit at manguna sa National Task Force against COVID-19.

Ito ay matapos ang panukala ng Health Officials na aangkla na sila sa NDRRMC bilang bagong platform ng NTF – kasabay ng order ng Palasyo na i-reclassify na ang alert levels pati na rin ang binoong IATF on the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa isang panayam, sinabi ni NDRRMC Executive Dir. Usec. Ricardo Halad na handang handa na sila na pagunahan ang ahensyang nakatutok sa pandemic response at recovery ng Gobyerno.

Paliwanag ni Jalad, pareho lang naman daw kasi ang structure ng NTF at ng NDRRMC at sa katunayan, iisa lang dina ng chairperson nito.

Sa kabila nito, nilinaw ng opisyal na magpupulong pa rin ang National Defense at Health Department para maisapinal ang magiging structure ng bagong NTF vs COVID-19.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *