Isang binata, napag-tripan pinana sa leeg; 2 arestado

Sugatan matapos tirahin ng “Indian Pana” ang isang bente-singko anyos na binata sa Hartman,Brgy San Miguel, Puerto Princesa City nitong Huwebes, March 2, 2023.

Ang biktima ay kinilala na si Noriel Codera Dumdumata habang ang mga suspek ay sina Rodillo Francisco Gabuco, 43 at si Richard Tesorio Alipin.

Sa imbestigasyon ng Police Station 1, ang biktima kasama ng mga kaibigan nito ay nag-iinuman mag-aalas dose kagabi nang dumating ang dalawang suspek na nakainom rin ng alak.

Kalauna’y lumikha umano ng gulo sa lugar ang suspek na si Richard habang si Noriel at si Rodelie ay nagtalo hanggang sa walang ano-ano’y pinatamaan nito ang biktima ng isang Indian pana.

Tinamaan sa leeg ang biktima na agad dinala sa Ospital ng Palawan habang ang mga suspek ay mabilis rin na naaresto ng mga tauhan ng Police Station 1.

Samantala, walang nakikitang malalim na dahilan ang pulisya sa krimen maliban sa ito ay “trip” lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *