Isang Drug Personality boluntaryong sumuko sa Marawi City!

ISANG drug personality ang boluntaryong sumuko sa tanggapan ng kapulisan dahil sa takot na makulong at sa kagustuhan naring makapagsimula ulit ng kanyang buhay sa syudad ng Marawi sa lalawigan ng Lanao Del Sur.

Ang surrenderee ay kinilalang si Alex Aba Diacatra alyas Ansary Batalo, 42 years old na taga Barangay Bangon, Marawi City, Lanao del Sur.

Nakipag-ugnayan ang surrenderee kay Barangay Fort Chairman Khouzbary Salic upang harapin ang mga otoridad ng Marawi City police station. Isinuko ni Diacatra ang 3 heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng shabu na may timbang na na 0.6 grams na may street value na P4,080.

Sinabi ni Diacatra na ilan sa kanyang mga kasamahan ay nahuli na at kasalukoyang nakakulong. Nasa kostudiya na siya ngayon ng Marawi City Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *