Isang libong-katao, pinangangambahan na mamatay sakaling makapasok sa Puerto Princesa ang Delta variant – IMT

Tahasang sinabi ng Incident Management Team Commander sa programang Tira Brigada na posibleng umabot sa isang libong- katao ang mamamatay sakaling makapasok sa Puerto Princesa ang Delta Variant.

Ayon kay Dr.  Dean Palanca, ito ang pinaghahandaan ngayon ng local health authorities kaya Isinasapinal na ngayon ng IMT ang COVID19 Surge Plan vs. Delta Variant.

Samantala, pag nagkataon ay maaaring ilibing sa mga rural o baranggay ang mga mamamatay sa sakit.

Nilinaw niya na naaalarma ang Incident Management Team ngayon kahit wala pang naiulat na kaso ng Delta Variant sa Puerto Princesa.

Idinagdag ni Palanca na malaki ang porsyente ng mga namamatay sa COVID-19 sa lungsod ay hindi full vaccinated individual o hindi bakunado kaya patuloy silang nanghihikayat na magtiwala sa vaccination program ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *