Isang pulis, minura at sinapak ng hinuling lasing sa bayan ng Quezon- PNP

Nahaharap na sa kasong Alarm and Scandal, resistance and Disobedience at Direct Assault upon and agent of Person in Authority ang isang Ruel Herarman Sr. 49 anyos ng Brgy. Alfonso XIII, Quezon Palawan.

Ito ay matapos niyang pagmumurahin at sapakin ang isang pulis na humili sa kanya sa Sitio Bayside, Purok Tagumpay, Bgy. Alfonso XIII Quezon ganap na alas-diyes ng gabi nitong nakalipas na Martes, ika- 25 ng Oktubre.

Ayon sa Quezon PNP, nakatanggap sila ng tawag sa isang concerned citizen tungkol sa isang kaguluhan sa lugar kung saan naroon ang suspek na noo’y lasing umano at nagwawala.

Nang lapitan ito ng mga pulis para imbetahan sa istasyon ay tumanggi ito ay pinagmumura ang awtoridad at pinaalis sa kanyang bahay at habang siya’y isinasakay sa patrol car ay sinapak nito sa kanang mukha si PCpl. Raffy B. Evina at muling pinagmumura.

Nagsabi pa raw ito na matatapang lang ang mga pulis dahil nasa gobyerno.

Samantala, sa tulong ng mga tao doon ay tuluyang naaresto ang nagwawalang mangingisda at nadala sa Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *